Panalangin para lagi kong maalalang mahal ako ng Diyos

“Ang Diyos ay pag-ibig. Ang nananatiling umiibig ay nananatili sa Diyos, at nananatili naman sa kanya ang Diyos” – 1 Juan 4:16

Mahal kong Diyos sa kaitaasan, ikaw ang makapangyarihan sa buong kalupaan at buong karagatan at buong kalawakan at sa lahat ng bagay na naroroon. Nakikita at nalalaman mo ang lahat.

Ngunit, mahal kong Diyos, kahit ikaw ay nasa kaitaasan, alam kong ako’y kinakalinga mo nang buong giliw at pagmamahal at pag-unawa. Nakangiti ang iyong maamo at mabait na mukha sa akin.

Pagkat ikaw ang Ama ko. Mahal mo ako at lagi mo akong iniingatan. Alam ko ito, Mahal kong Diyos, at buong puso akong nagpapasalamat sa iyo!

Mahal kong Ama sa kaitaasan, nawa’y lagi akong magtiwala at manalig, tulad ng tiwala at pananalig ng isang bata, sa iyo! Sa mga panahong madilim at magulo, kung ako’y natatakot o nasaktan, tulungan mo akong maalalang ikaw ay nandiyan lang at ako’y handa mong tulungan.

Tulungan mo ako, Ama, na maunawaan ang iyong mga Batas ng Buhay at mamuhay nang ayon sa mag ito dahil alam ko, Mahal kong Diyos, na kapag gayon ang ginawa ko, ako’y gagantimpalaan mo ng maluwalhating kalusugan at kaligayahan, lahat ng tuwa at masaganang mga biyaya na siyang loob mo para sa akin at sa lahat ng iyong mga anak!

Sa ngalan ng iyong pag-ibig sa akin, Mahal na Ama, at sa ngalan ng iyong pinagpalang anak, Hesukristo, hinihingi ko ito! Amen.

Tags:
Posted in Tagalog Daily Prayers | No Comments »

Panalangin para sa Prosperidad at Kasaganaan

“Si Lord ang aking pastol, hindi ako magkukulang” – Awit 23

Makapangyarihang Diyos, aking Ama sa langit, sa iyo ang kapangyarihan at kaluwalhatian magpasawalang hanggan. Ikaw ang lumikha ng lahat ng bagay sa daigdig, maging malalaki o maliliit. Ang iyong loob ay siyang bata ng sansinukob, ang daan para kami’y matuto at sumunod.

Pinuno mo ang lupa at dagat ng mabubuting bagay nang buong kasaganaan. Nilalang mo kami, iyong mga anak, para gamitin ang mabubuting bagay na ito. Mahal mo kami at nais mong kami’y mamuhay nang masagana kung amin munang hahanapin ang iyong kaharian at iyong kabanalan.

Kaya ako’y dumudulog sa iyo, Mahal na Ama, upang hingin ang iyong tulong at patnubay nang ako’y palarin at umunlad. Ang dako pa roon ay maaaring magulo puno at ng hirap.

Mahal na Ama, ngunit alam kong diringgin mo ang aking dalangin at ako’y iyong tutulungan.

Tuturan mo aking magpasalamat, Mahal na Ama, para sa mga biyayang tinatamasa ko ngayon. Turuan mo akong maging tapat sa aking gawain, at sa pamamagitan nito, paglingkuran ang aking kapwa tao pagkat sa ganitong paraan lamang ako maaaring palarin at umunlad.

Kahit sa paghahanap ko sa iyo ngayon, Mahal na Ama, gumagaan ang aking pakiramdam at alam ko at nadarama ko na bubuti rin ang aking kalagayan, na nalalaman mo ang aking kailangan at bago pa man ako kumatok, pagbubuksan ng loob upang tumindig at humayo nang may pag-asa at kapayapaan! Amen.

Tags:
Posted in Tagalog Daily Prayers | No Comments »

Page 1 of 3123