Recent entries

August, July, June

Panalangin para tulungan ng Diyos ang aking mga mahal sa Buhay

Panalangin para tulungan ng Diyos ang aking mga mahal sa Buhay na magapi ang masamang gawi

“Tapat ang Diyos, at hindi niya ipahihintulot na kayo’y subukin nang higit sa inyong makakaya” — 1 Corinto 10:13

Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, hindi ka pa nakikita ninuman ngunit andiyan ka lang at pwedeng lapitan! Ngayon ako’y duma-dalangin para tulungan mo ang aking mahal sa buhay na magapi ang masasamang gawi na alam mong nagpapalungkot sa aming lahat.

Ama, alam mo kung gaano katindi ng tukso sa aking mga mahal sa buhay. Alam mo na ang gawing ito ay maraming ipinapangako pero kakarampot ang ibinibigay. Oo, alam na alam mo kung paanong ang gawing ito ay nakasasama sa kanila at ito’y nakasasama rin sa aming lahat na nagmamahal sa kanila!

Alam naming sinubok na nilang gapiin ang gawing ito, mahal na Ama. At ako’y nagpapasalamat sa iyo na tinutulungan mo silang sumubok.

Ngunit kailangan pa nila ang tulong mo, mahal na Ama. Kailangan nila iyon para hindi sila mawalan ng lakas ng loob kapag sumubok silang muli at sila’y mabigo!

Pagpalain mo ang mga paraang sinusubok naming lahat. Tulungan mo kaming palakasin ang kanilang loob. At ipunla mo sa kanilang mga puso ang ilang mabuti at dakilang ambisyon, ambisyong mas matindi dito sa teribleng gawi nila, mahal na ama.

O, Ama, sana ang mahal kong ito ay mas mapalapit pa sa iyo, pagkatapos ng kaguluhang ito. Antigin mo ang kanilang mga puso at kasangkapanin mo ako sa pagtulong mo sa kanila. Iyan lang ang hiling ko, at talagang nadarama ko na ibibigay mo’yan. Dahil diyan, mapayapa akong lubos at masaya. Salamat sa iyo, mahal na Ama, salamat sa iyong mapagbigay na puso. Amen.

Tags:
Posted in Tagalog Daily Prayers | No Comments »