Panalangin para makontrol ko ang galit at emosyon sa tulong ng Diyos

Panalangin para makontrol ko ang galit at emosyon sa tulong ng Diyos

“Higit na mabuti ang hinahon kaysa kapangyarihan, at ang pagsupil sa sarili kaysa pagsakop sa mga bayan” — Kawikaan 16:32

Walang-hanggang Ama, na naninirahan sa kalangitan ngunit namumuhay sa mapag-pakumbabang mga puso, dumudulog ako sa iyo na nahihiya dahil sa aking pagkamainitin at pagkamagagalitin.

O mahal na Ama, hindi ko alam ang aking ginagawa kapag inabot ako ng mga gayong init ng galit. Tila hindi ko sila makontrol. Tunay na pagkasabing-pagkasabi ko ng masasamang bagay, kaagad akong nahihiya. Ngunit sobrang tigas ng aking kapalaluan para matanggap kong ako’y mali.

Tulungan mo ako, mahal na Ama, tulungan mo ako, pagkat alam kong hindi lamang sarili ko kundi pati kapwa ko ang nasasaktan ko. Oo, dahil sa pagkamainitin at pagkamagagalitin, nawawalan ako ng kaibigan at ako’y nagiging kahabag-habag at malungkot. Sana, Ama sa langit, tulungan mo akong kontrolin ang aking sarili nang mas mahusay. Nais kong magbago nang buong puso!

Oo, Ama, hindi ko sasadyaing manakit ng sinuman sa pamamagitan ng salita o gawa. Ang puso ko’y mapagmahal sa iyo at gusto kong gawin ang tama. Alam mo kung gaano ko ikinalulungkot ang pagkamabiglain at alam mo kung gaano ako kasigasig na magbago.

Binuksan ko na ang puso ko sa iyo, mahal na Ama. At nadarama kong ito’y lilinisin mo upang gawin itong dalisay. Nadarama ko talaga na ibibigay mo sa akin ang iyong pagpapala at tutulungan mo akong timpiin ang aking sarili. Dahil dito, mapalalakas mo, mahal na Ama, ang aking puso at isipan ubod nang lakas upang makasuong nang mahinahon at kontrolado sa darating pang mga araw! Amen.

Tags:
Posted in Tagalog Daily Prayers | No Comments »

Leave a Reply