Panalangin para tulungan na magapi ang masasamang gawi

Panalangin para tulungan Ako ng Diyos na magapi ang masasamang gawi

“Hanapin ang Panginoon, at ang kanyang lakas” — Awit 105:4

Maawain at mapagmahal na Ama, lahat ng puso ay nakabukas sa iyo, at walang maililihim sa iyo, itinuon ko ang aking paningin sa mga burol na pagmumulan ng mga saklolo tulong sa panahon ng tukso.

Pagkat kailangan ko niyaong tulong, mahal na Ama kailangan ko iyon para maiwasan ko ang masamang gawi na nagpapasama sa aking buhay. Alam mo kung paano ako inudyukan nito at kung gaano katindi, mahal na Ama.

Totoo, Ama, gusto ko nang iwanan ang masamang gawi, subalit tila ako’y walang kapanyarihan gayon na lang ang pamamayani nito sa akin.

O, Mahal na ama, tulungan mo akong burahin ang masamang ugaling ito. Gapiin ang masamang gawing ito pagkat ito’y masama sa aking kalusugan. Tulungan mo ako na para bang ako’y isang munting bata, mahina at kailangan ng iyong kalinga.

At susubukin ko, ama, talagang susubukin ko. Agad akong magsasabi ng “Hindi!” sa tuwing ako’y uudyukan. At nadarama ko na ako’y lalakas pa nang lalakas.

Salamat sa iyo, Ama, pagkat ang munting dalanging ito ay nagpalakas at nagpaganda ng aking pakiramdam. Salamat at binibigyan mo ako ng pag-asa. Salamat at inabot mo ang aking mga kamay sa paghahabilin mo nito sa iyong anak na si Hesus, na ilang ulit na tinukso subalit tumanggi sa kasamaan hanggang sa huli siya na iyong anak ay aming Panginoon at Tagapagligtas. Amen.

Tags:
Posted in Tagalog Daily Prayers | No Comments »

Leave a Reply