Recent entries

August, July, June

Panalangin para sa trabaho

Panalangin para tulungan Ako ng Diyos na maghanap ng trabaho

“Huwag mong pababayaan ang ipinagkaloob sa iyo ng Espiritu Santo” — 1 Timoteo 4:14

O Panginoon, Liwanag ko sa landas ng buhay, nababatid mo ang aking kalagayan mula nang ako’y isinilang. Tulungan mo akong maging payapa at marinig ang iyong tinig nang aking mabatid ang dapat kong gawin at kung saan ako patutungo.

Pagkat iniutos mo, mahal na Ama, na walang sinuman ang dapat mag-aksaya ng panahon. Sinubok kong sundin ang gayong utos. Ngunit minsan, napababayaan kong tunay ang mga ipinagkaloob mong talino sa akin na ako ay wala sa lugar na dapat kong kalagyan.

Mahal na Ama, sana ay tulungan mo akong hanapin ang trabahong tamang-tama sa akin, kung hindi ko pa iyon taglay ngayon. Alam kong gagabayan mo ako sa gawaing nais mong isagawa ko. At kapag natagpuan ko na ang tamang trabaho para sa akin, mahal na Ama, tulungan mo akong gawin iyon nang mahusay. Tulungan mo akong magtrabahong kasama ng iba, mag trabaho nang buong sipag at mag-impok, maging masinop at malinis, at, higit sa lahat, magkaroon ng tunay na pananalig sa iyong binabalak para sa akin.

Anumang hawakan ng aking mga kamay, mahal na Ama, sa tahanan o kabukiran o pagawaan, tulungan mo akong isaayos nang mahusay gawin iyon nang buong husay at lubos. Tunay na nadarama kong sa pagtatrabaho nang ayon sa iyong kalooban, ako ay itataguyod mo sa lalong mabuting gawain at mas maraming gantimpala.

Mahal na Ama, ako ay tunay na nananalig sa iyo. Nadama ko na kung paano mo ako gabayan sa trabaho ko noon alam kong madarama kong muli iyon kung mataman akong makikinig at magsisikap na umunawa. At lubos kitang pinasasalamatan sa iyong paggabay at pagtataguyod dahil dito, nakaya kong muling harapin ang mundo ng may pag-asa at matibay na pananalig. Sa ngalan ni Hesus ako’y dumadalangin. Amen.

Tags:
Posted in Tagalog Daily Prayers | No Comments »